Isko Moreno magbibigay ng P1-M gantimpala sa pinakamalinis na barangay bawat distrito

Isko Moreno magbibigay ng P1-M gantimpala sa pinakamalinis na barangay bawat distrito

Bilang parte ng mga solusyon para linisin ang basura sa Maynila, magbibigay si Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng gantimpalang nagkakahalagang P1 milyon para sa pinakamalinis na barangay sa bawat distrito.

Mahigit 800 barangay sa Lungsod ng Maynila ang makikilahok sa patimpalak na ito kung saan sila ay hihikayating linisin ang mga kanto at iskinita sa kanilang komunidad.

Ayon kay Domagoso, ang tatanghaling pinakamalinis na barangay ay gagawaran ng P1 milyon na syang gagamitin para magsagawa ng mga programang pangkalinisan para sa kanilang komunidad.

“Isa sa mga kinakaharap na suliranin ng Lungsod ng Maynila ay ang basura. Kahit saang kalye at abenida, may nakatambak na basura na parang hindi hinahakot,” saad ni Domagoso.

“Magkakaroon tayo ng kumpetisyon sa anim na distrito ng Maynila kung saan mananalo ang pinakamalinis na barangay ng P1 milyon na magagamit bilang karagdagang pondo para sa mga green projects,” dagdag niya.

Read more and WATCH VIDEO at https://www.facebook.com/iskomorenodomagoso/videos/2123493717764479/?v=2123493717764479

9 thoughts on “Isko Moreno magbibigay ng P1-M gantimpala sa pinakamalinis na barangay bawat distrito”

  1. Manuel B. Rellon

    Dahil sa pag aaral nag umpisa akong manirahan sa Kalookan mula 1977, sa tulong ng aking mga nakakatandang kapatid..namulatan ko na ang Maynila na Sentro ng kalakalan, karamihan sa Avenida noon ay nag lalakihang sinehan..sa katunayan ako ay nag aral sa Adamson University at FEATI University..Divisoria ang punta ng mga taong namamakyaw noon pa man..Ngunit sa kasalukuyang panahon ang Maynila ang siya nang napag iiwanan ng Panahon, sa tingin ko yan ay dahil sa kagagawan ng mga mapagsamantalang mga naging Pinuno ng Lungsod, na ang tanging inisip lamang ang kanilang sarili, at nag payaman habang naka upo sa nasabing pwesto..at wala silang pakialam sa kanilang mga taong nasasakupan..hanggang ngayon may nakatira pa rin sa mga Estero at kung saan sulok na may Bakante..Sentro din ng Linangan ng Talino ang Maynila, sa katunayan nasa kanilang lupain ang mga Tanyag na Paaralan, Digital Era na ngunit di magawan ng tamang solusyon ng mga nagdaang Administrasyon ang kanilang mga Problema..

  2. There should be a standard set to say that a certain district or Barangay is in compliance to the Cleanliness and Orderliness standard. Those who fail should be reprimanded or penalized. Those who meet up or go beyond the standard should be acknowledged or rewarded.

  3. Hindi ako taga maynila. Taga taytay ako. Subalit nuong una pa lang sumabak sa politika ang nuon ay napakabata pang si Mayor Isko Domagoso, akoy naniniwala ng darating ang panahong ito na pamumunuan niya ang napakamakasaysayang lunsod ng Maynila. At mula nuon hanggang ngayon, akoy naniniwalang mainabalik nya sa nuoy napakaeleganteng kalunsuran. Mayor Isko, sana’y mapagtuunan mo rin ang nabinbing restorasyon ng Metropolitan Theater na likha ng aking lolo na si Arch.Juan Arellano. Mabuhay ka Mayor Isko Domagaso. GOD BLESS YOU.

  4. Very Well said on this and agree on this. been waiting for this kind of mind set. Hope to see the outcome of this soon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *