Press Statement | For Immediate Release
| May 16 2017 1:30 pm
Kilusang Luntian, a nationwide citizens movement trying to form a national green political party supports the recommendation of the Department of Agriculture (DA) that the Benham Rise be declared as a “… protected food supply zone to ensure the country’s marine food security”.
Sinusuportahan ng Kilusang Luntian, isang pambansang kilusan ng mamamayan na nag-aadhikang bumuo ng isang pambansang luntiang partido pulitikal, ang rekomendasyon ng Kagawaran ng Agrikultura (DA) na ideklara ang Benham Rise bilang “… protektadong pook na pinagkukunan ng pagkain upang matiyak ang seguridad sa pagkaing-dagat ng bansa”.
As such we also support the proposal the government establishes a research facility to do continuous research on the ecology and natural resources of this new 13-million hectare territory of the country. We also support the proposal to establish & enforce policies on marine conservation and against over fishing and over extraction of natural resources including the imposition of close and open fishing season to ensure sustainability of the natural resources here.
Gayundin, sinusuportahan din naming ang panukalang magbuo ang pamahalaan ng isang pasilidad-panalaliksik upang magsagawa ng tuloy-tuloy na pananaliksik sa ekolohiya at likas-yaman nitong bagong 13-milyong ektaryang teritoryo ng bansa. Sinusuportahan din namin ang panukalang magbuo at magpatupad ng mga patakaran hinggil sa pangangalaga ng karagatan at laban sa labis na pangingisda at labis na pagkuha ng likas-yaman kasama na ang pagpapataw ng sarado at lantarang panahon ng pangingisda upang matiyak ang sustenabilidad ng likas-yaman sa pook na ito.
We support the DA’s position that the sustainable use and conservation of these renewable resources must take priority over the option of instead focusing on the exploitation of its potential finite resources like oil and gas reserves would be a more sustainable option.
Sinusuportahan namin ang posisyon ng Kagawaran ng Agrikultura na ang sustenableng paggamit at pangangalaga ng mga panibagong pinagkukunang yamang ito ay mas unahin bilang isang sustenableng opsyon kaysa sa paggamit ng potensyal na nauubos na likas-yaman tulad ng reserbang langis at gas.
Considering the challenges of the early onset of negative impacts of climate change to our island nation; including the challenge to our food security, it is crucial that we beef up our access and control over sustainable sources of food supply such as from the Benham Rise.
Kung susuriin ang mga hamon ng negatibong dating ng pagbabago ng klima sa ating kapuluang bansa; kasama na ang hamon sa seguridad natin sa pagkain,napakahalagang mas unahin natin ang paggamit at pagkontrol ng sustenableng pinagkukunan natin ng pagkain tulad ng mula sa Benham Rise.
As the competition for oil and gas often leads countries to contend each other in heated face off, Kilusang Luntian recognizes that pushing for the Benham Rise as a common natural heritage to conserve and protect marine resources in this region of the world might be a better way to deal with the diplomatic challenges confronting the Philippines as we prepare to assert and maintain our right over the Benham Rise. We recommend that appropriate part of the Benham Rise be declared a MARINE PROTECTED AREA.
Sa pagpapaligsahan ng mga bansa para sa langis at gas na tumutungo upang sila’y harap-harapang magbanggaan, kinikilala ng Kilusang Luntian na ang pagtutulak sa Benham Rise upang ganap na kilalaning isang likas na pamana para sa lahat upang pangalagaan at protektahan ang mga yamang-dagat sa rehiyong ito ang mas magandang pamamaraan sa harap ng mga diplomatikong hamon ng Pilipinas habang naghahanda tayo sa paggiit at pagpapanatili ng ating karapatan sa Benham Rise. Mungkahi naming ideklara ang karampatang bahagi ng Benham Rise bilang PROTEKTADONG LUGAR PANDAGAT.
For more information:
Para sa karagdagang impormasyon:
Roy Cabonegro
| Executive Director – Luntian Center for Environmental Governance acting as Secretariat for Kilusang Luntian
| email: roycabonegro.luntiancenter@gmail.com | mobile phone 0977 8276374
(*) Translation from English to Filipino (Tagalog) was done by Mr. Greg Bituin Jr.