Skip to content

STATEMENT: RAMON ANG, MAKINIG SA TAONG BAYAN! PAREX, TULUYANG IBASURA PARA SA ATING KINABUKASAN!

RAMON ANG, MAKINIG SA TAONG BAYAN! PAREX, TULUYANG IBASURA PARA SA ATING KINABUKASAN!

Nakikiisa ang Green Party of the Philippines (GPP – KALIKASAN MUNA) sa panawagan na tuluyang ibasura na ang Pasig River Expressway o PAREX. Hindi makakatulong sa pagresolba ng problema sa trapik at mass transportation ang PAREX bagkus ay papabor lamang ito sa mga pribadong sasakyan at magpapalala pa sa “induce need” para bumili ng mga sasakyan. Sa halip na mga proyekto kagaya ng PAREX ay kailangang mas palakasin ang sistema ng mass transportation, pag focus sa mga alternatibong paraan ng mobilidad gaya ng biking, walking, at iba pa. Mahalaga rin na paramihin ang mga open at green spaces sa kalakhang Metro Manila.

David D’Angelo, National President, greenparty.ph

📣 RAMON ANG, MAKINIG SA TAONG BAYAN! PAREX, TULUYANG IBASURA PARA SA ATING KINABUKASAN!

RAMON ANG, MAKINIG SA TAONG BAYAN! PAREX, TULUYANG IBASURA PARA SA ATING KINABUKASAN!

Mariing kinokondena ng Ilog Pasiglahin at iba’t ibang mga grupo ang balak ng San Miguel Corporation (SMC) at ni Ginoong Ramon S. Ang na ituloy pa rin ang pinaplanong Pasig River Expressway (PAREX) sa kabila ng naunang pahayag ni G. Ang na kakanselahin ito dahil “nakikinig sila sa pulso ng bayan”. [1]

Simula nang ipinahayag ni G. Ang ang pagkansela ng PAREX noong Marso, naging panawagan ng publiko ang pag-urong ng mga kasunduan kasama ng Toll Regulatory Board at mga permit sa DENR at ibang mga ahensya. Ang hindi pagkansela ng PAREX ay patibay na hindi tunay na nakikinig si G. Ang at ang SMC sa pulso ng bayan at daing ng ating kalikasan.

Sa kabila ng makasaysayang El Niño ngayong taon at mas malalakas na mga bagyo na pinalalala ng krisis sa klima na dala ng carbon emissions, uunahin pa rin ba ng SMC ang negosyo kaysa sa kalusugan, kabuhayan, at kaligtasan ng mga komunidad? Buburahin ng PAREX ang adhikain ng nakararaming Pilipino para sa isang Ilog Pasig na buhay, makakalikasan, at para sa lahat ng mamamayan. Hindi rin ito tugma sa pangunahing programa ng Malacanang na “Pasig Bigyang Buhay Muli” na nagbibigay ng prayoridad sa rehabilitasyon ng Ilog Pasig para sa mga mamamayan. Kapag itinayo ang PAREX, kakatiting lamang na 6% ng mga Pilipinong may sariling kotse ang makikinabang dito samantalang magdudulot ito ng polusyon, pagbaha, at lalong pag-init ng kapaligiran. Ang PAREX ay hindi lamang kikitil sa buhay ng Ilog Pasig, ngunit magdadala rin ito ng panganib sa mga hayop, halaman, at daan-daang libong residente na binibigyang buhay ng ilog.

Sa paparating na World Environment Day ngayong ika-5 na Hunyo, hinahamon namin si G. Ang at ang SMC na magpakatotoo sa motto nilang “Your World Made Better” at tuluyang ibasura ang PAREX. Nananawagan din kami sa DENR, iba pang ahensiya ng pamahalaan, at mga LGU ng Maynila, Mandaluyong, Makati, Pasig, Taguig, at Taytay na ibasura ang mga permit ng PAREX at makinig sila sa tunay na pulso ng bayan: Ilog ‘Wag Patayin, Ilog Pasiglahin!

Ang Ilog Pasig ay hindi para sa negosyo. Ang kalikasan ay para sa tao.

Atin ang Ilog Pasig. Ibasura ang PAREX!

SIGNATORIES (as of May 29, 2024):

1. Ilog Pasiglahin

2. Youth Strike 4 Climate Philippines

3. Make It Safer Movement – MISMO

4. Move As One Coalition

5. Kabataan Partylist – Pasig

6. Saribuhay UP Diliman

7. Bicycle Friendly Philippines

8. PARA – Advocates for Inclusive Transport

9. Blue Mobility

10. Matanglawin Ateneo

11. Uwak Cycling Community

12. Renacimiento Manila

13. Quiapo ng Puso Ko

14. TAKDER (Tignayan dagiti Agtutubo ti Kordilyera para iti Demokrasya ken Rang-ay)

15. Citizens’ Budget Tracker

16. Pagkakaisa ng Mamamayan ng Pasig Laban sa PAREX

17. Lingap Pamayanan Center for Local Development Initiatives

18. Manggahan People’s Council

19. Binnadang Amianan

20. UP One Earth

21. AKIM / Manila Girls

22. Central Caring Alliance Philippines

23. Tambay Cycling Hub

24. Solar Commuter Club

25. Nilad Community

26. The Heritage Collective

27. Manileños For Heritage

28. Alyansa ng Nagkakaisang Pinagbuhatan (ANNAP)

29. AGHAM – Advocates of Science and Technology for the People

30. Samahan ng Kababaihan sa Willarey Pinagbuhatan (SKWP)

31. DAKILA – Philippine Collective for Modern Heroism

32. Computer Professionals’ Union

33. Greenpeace Philippines

34. Tara Kabataan

35. 350 Pilipinas

36. GPP Kalikasan Muna – Green Party of the Philippines

37. Bayanihan Para sa Kalikasan Movement, Inc.

38. Rotary Club of Alabang Madrigal Business Park

39. PLM – Partido Lakas ng Masa

40. Global Responsibility for Environmental and Ecological Nurturing.G.R.E.E.N.

41. PasigLaban Kabataan

42. The Freehand, Polytechnic University of the Philippines

[1] Pahayag ni Mr. Ramon S. Ang. Rappler. March 18, 2024. “Kamukha nyan, nag-propose ako, Pasig River tollway…Pero sinasabi ng maraming tao na ayaw nila yan dahil ay laban sa kalooban nila o hindi maganda tingnan, or whatever. Narinig nyo ba tinuloy ko? Hindi na.” https://youtu.be/KErluDshsXc?feature=shared

Source: Ilog PASIGlahin

0 0 votes
Article Rating
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments
error

Please spread the word :)

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x